Agusan del Sur – Nagsagawa ng Women’s Doubles Badminton Tournament ang kapulisan ng Agusan del Sur Police Provincial Office kaugnay sa Women’s Month Celebration nito lamang Miyerkules, Marso 23, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Jovito Canlapan, Officer-in-Charge ng Agusan del Sur Police Provincial Office, ang nasabing programa na nilahukan ng mga kababaihan mula sa mga istasyon at units ng kanilang nasasakupan.
Bandang 8:00 ng umaga nang sinimulan ang patimpalak at walong pares ng kababaihan ang nagpakita ng kanilang husay at galing sa paglalaro ng badminton.
Itinanghal ang pares nina Patrolwoman Berniza Plaza ng Police Community Affairs and Development Unit at Non-Uniformed Personnel Elenita Galupo bilang kampeon sa nasabing paligsahan.
“Ang kapulisan ng Agusan del Sur ay binibigyang halaga ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan para magampanan ang sinumpaang tungkulin sa bayan”, ani Police Colonel Canlapan.
Source: Agusan del Sur Police Provincial Office
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz