Zamboanga del Sur – Boluntaryong sumuko ang 57 na miyembro ng mga tagasuporta ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng Big Beautiful Country (BBC) at Barangay Revolutionary Committee-Western Mindanao Revolutionary Party Committee (BRC-WMRPC) sa Covered Court ng Camp Maj. Regina Abelon, Lumbia, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang Miyerkules, Marso 29, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Neil Alinsangan, Regional Director ng Police Regional Office 9, naging matagumpay ang pagbabalik-loob ng 57 na tagasuporta ng CTG dahil sa serye ng negosasyon ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 9, Dumingag Municipal Police Station, Zamboanga del Sur Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 9, PNP Special Action Force, Zamboanga del Sur Maritime Police Station, Pagadian Airport Police Station, Philippine Army.
Pinangunahan naman ni Governor Victor Yu, ang panunumpa ng katapatan sa Gobyerno (Oath of Allegiance) sa 57 na dating miyembro ng Communist Terrorist Group.
Kasabay ng kanilang pagtalikod sa makakaliwang grupo ay ang pagturn-over ng iba’t ibang uri ng matataas na baril.
Patuloy ang PNP kaagapay ang ibang law enforcement agencies at sangay ng gobyerno upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa.