Pasay City — Narescue sa isang illegal trade-off operation ang mga wildlife species mula sa isang online seller sa ikinasang entrapment operation ng PNP Maritime sa Rotonda Pasay nito lamang Martes, Setyembre 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Boots Aseo, Hepe ng Regional Maritime Unit NCR, ang suspek na si Arzcel Lavinki Lures, wildlife trader, 23, at residente ng Blk 2, Lot 3, Saint Joseph Homes, Inocencio (B. Pook) Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay PCol Aseo, isang poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek upang bumili ng apat (4) na wildlife species Ball Phyton Snake at dalawang (2) Leopard Gecko Lizard na nagkakahalaga ng Php25,500.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ginagamit ng suspek sa kanyang transaksyon ang isang messenger account na nagngangalang Prince Gen IV na isa umanong online seller ng mga wildlife species.
Ayon pa kay PCol Aseo, nang isagawa nila ang entrapment operation sa 320 Geselle Park Plaza, Bldg, EDSA Rotonda, Pasay City ng pinagsanib-pwersa ng RMU-NCR, Libertad Sub-Station 3, at Department of Environment and Natural Resources (DENR), walang maipakitang kaukulang dokumento ang suspek kaya’t sya’y tuluyan nang inaresto.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Sec. 27 paragraph (e) Trading of Wildlife at paragraph (f) Possession of Wildlife Species ng Republic Act 9147 o “Wildlife Resource Conservation and Protection Act.”
Patuloy namang magmamasid ang PNP Maritime sa mga ganitong uri ng ilegal na aktibidad upang maprotektahan ang mga wildlife species lalo na ang mga nanganganib ng maubos.
Source: RMU-NCR
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos