Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Lecture at Awareness Seminar ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Casiguran Municipal Police Station sa Barangay 08 Poblacion, Casiguran, Aurora nito lamang Sabado, ika-30 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay isang inisyatibo ng Casiguran Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Donna Fe M Galban, Chief of Police, at dinaluhan ng mga Barangay Officials, mga magulang, at mga bata ng naturang barangay.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay ng pagdiriwang ng 18th Day to End Violence Against Women and Children at National Children’s Month Celebration, na may layuning bigyang-halaga ang pagkakapantay-pantay para sa lahat at ang panawagan para sa isang mas inklusibong lipunan.
Tinalakay ng mga Aling pulis ang Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act”, RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, Anti-Bullying Act, at Executive Order 70 (NTF-ELCAC).
Patuloy ang pagpapaigting ng Pambansang Pulisya ng pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan upang magbahagi ng mga impormasyon at kaalaman na makatutulong sa pagprotekta sa bawat indibidwal at magtaguyod ng isang maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino, tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Mildred A Tawagon