Isinilbi ang Warrant of Arrest sa kasong Rape sa isang estudyante ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 3 sa Purok 6, Sitio Tag-ibo, Barangay Dalipuga, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang Mayo 19, 2025.
Kinilala ni Police Major Alexander C. Lawan, Station Commander ng Iligan City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Aldri”, 16 anyos, estudyante at residente ng Purok Duranta, Barangay Acmac, Iligan City, Lanao del Norte.
Nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development (CSWD) – Bahay Pag-asa Youth Center ang suspek upang mabigyan ng proteksyon at suporta dahil isa itong menor-de-edad.
Hindi titigil ang PNP sa paghuli sa mga taong nagkasala sa batas upang mapanatiling ligtas at payapa ang nasasakupang komunidad.