Inihain ng PNP ang Warrant of Arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa lima pang indibidwal nito lamang Lunes ng umaga ng Hunyo 10, 2024 sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City.

Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group ang paghain ng Warrant of Arrest katuwang ang Special Action Force, National Bureau of Investigation at mga tauhan ng Police Regional Office 11, PRO 10 at PRO 12 sa mga kasong Child Abuse sa ilalim ng Section 10 ng Republic Act 7610, Sexual Abuse sa ilalim ng Republic Act 7810 at Anti-trafficking in Person of 2000.

Tinanggap naman ng kampo ni Pastor Quiboloy ang Warrant of Arrest sa pangunguna ng kanilang mga abugado at mga tagasunod at pinapasok sa nasabing lugar upang maghanap at mag-ikot ang mga awtoridad.

Ang PNP ay sinisiguradong magiging patas, mapayapa at maayos ang mga operasyon sa paghahain ng mga Warrant of Arrest sa mga akusadong indibidwal.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino