Friday, June 6, 2025

Wanted sa pagpatay sa dalawang pulis sa Bulacan, nasawi sa engkwentro sa Baggao, Cagayan

Nasawi ang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa Bocaue, Bulacan noong Marso 8, 2025 matapos ang isang armadong engkwentro sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan kaninang umaga, Hunyo 4, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Xander”, na may kinakaharap na warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg Dennis G Cudiamat at PSSg Gian George N Dela Cruz, parehong miyembro ng Bocaue Municipal Police Station.

Ayon kay Police Colonel Mardito G Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, nagsagawa ng intelligence-driven operation ang pinagsanib na pwersa ng Baggao Police Station (lead unit), Regional Intelligence Division 2 at 3, Regional Intelligence Unit 2 at 3, Provincial Intelligence Unit-Cagayan PPO, Provincial Intelligence Unit-Bulacan, 204th Maneuver Company RMFB2, 1st PMFC, at Bocaue Police Station upang ipatupad ang nasabing Warrant of Arrest.

Habang isinagawa ang operasyon, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at sumigaw ng “Di ako papahuli nang buhay!” saka pinaputukan ang mga operatiba. Napilitan ang mga alagad ng batas na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang yunit ng Glock firearm na may serial number PNP50742, na pinaniniwalaang armas na pagmamay-ari ng isa sa mga napatay na pulis sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Police Brigadier General Antonio P Marallag Jr., Regional Director ng Police Regional Office 2, hindi kailanman magtatagumpay ang sinuman na lalapastangan sa mga tagapagpatupad ng batas.

“Ang pagkamatay ng suspek sa madugong insidente sa Bocaue ay isang malinaw na mensahe na ang rehiyon ng Lambak ng Cagayan ay hindi ligtas na taguan ng mga kriminal. Higit sa lahat, ito ay tagumpay ng hustisya para kina PSSg Cudiamat at PSSg Dela Cruz, at sa kanilang mga pamilyang naiwan. Sa ating mga kapulisan, taas-noo sa inyong katapangan at determinasyon. Tayo ay magpapatuloy sa pagbibigay ng tunay na serbisyo para sa mamamayan,” saad ni PBGen Marallag Jr.

Source: PRO 2 FB Page

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,660SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles