Arestado ang isang lalaking wanted sa maraming kaso ng attempted murder, frustrated murder, at murder sa operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng Urbiztondo Municipal Police Station dakong alas-11:40 ng umaga sa Barangay Pagal, San Carlos City, Pangasinan nitong Abril 30, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ponyong,” 40 taong gulang, binata, isang magsasaka at residente ng Barangay Pisuac, Urbiztondo, Pangasinan.
Inaresto ang suspek, sa bisa ng anim (6) na Warrant of Arrest sa kasong tatlong (3) bilang ng Attempted Murder, isang (1) bilang ng Frustrated Murder at dalawang (2) bilang ng murder na wala ni isa sa mga kasong ito ang may piyansa.
Ang pag-aresto sa suspek ay nagpapakita ng dedikasyon ng Urbiztondo PNP na mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mamamayan.
Source: Urbiztondo PNP
Panulat ni PMSg Marvin Jake Romero