Makati City — Timbog ang Top 9 Most Wanted Person sa kasong Estafa at pagnanakaw sa isinagawang manhunt operation ng Makati City Police Station nito lamang Huwebes, Mayo 26, 2022.
Kinilala ni NCRPO Regional Director, Police Major General Felipe Natividad, ang akusado na si Teresa Magalong Raveche, may asawa, walang trabaho, 42, residente ng Yague St., Brgy., Sta Cruz, Makati City.
Ayon kay PMGen Natividad, naaresto si Raveche bandang 1:05 ng tanghali sa JP Rizal Ext. Cor Lawton Avenue, North Side, Makati City ng mga operatiba ng Warrant Section Unit ng Makati City Police Station.
Ayon pa kay PMGen Natividad, naaresto si Ravenche sa bisa ng dalawang Warrant of Arrest para sa krimeng Estafa na may inirekomendang piyansa na Php 20,000 habang ang pangalawang WOA para sa kasong pagnanakaw na may piyansang Php12,000.
Pinuri ni RD Natividad ang operating team para sa isang mahusay na trabaho, “Hindi natin maaaring hayaan ang mga lumalabag sa batas na manatiling walang parusa. Hangga’t sila ay at-large, may posibilidad na magpatuloy sila sa kanilang mga kasuklam-suklam na gawain at mambiktima ng mas maraming tao. Kaya ang Team NCRPO ay mas lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad, ilegal na droga at pag-aresto sa mga wanted person para sa kaligtasan ng ating mamamayan”.
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos