Malabon City — Arestado ang lalaking wanted sa kasong Attempted Murder sa ikinasang manhunt operation ng mga operatiba ng Malabon City Police Station nito lamang Huwebes ng umaga, Mayo 12, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Albert Barot, Chief of Police ng Malabon MPS ang suspek na si Vincent Revidad y Delos Angeles, 20, residente ng Alupihang Dagat, Barangay Longos, Lungsod ng Malabon.
Ayon kay PCol Barot, nahuli si Revidad bandang 11:40 ng umaga sa kahabaan ng Alupihang Dagat, Barangay Longos, Lungsod ng Malabon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section kasama ang 4th MFC, RMFB -NCRPO sa bisa ng Warrant of Arrest.
Pananatilihin naman ng hanay ni PCol Barot ang pagtugis sa mga taong may atraso at nagtatago sa batas.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni Police Corporal Manuel