Pangasinan – Timbog ang isang Wanted Person ng mga operatiba ng Binmaley PNP bandang 11:44 ng umaga sa Brgy. Tombor, Binmaley, Pangasinan nito lamang ika-13 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Lodovico Ellazar, Jr, Hepe ng Binmaley PNP, ang suspek na si Bongbong Lagahit Estanio, 31, at residente ng #19 Brgy. Tombor, Binmaley, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Ellazar Jr, naaresto ang suspek sa kasong Sexual Assault na may rekomendadong piyansa na Php200,000 at Acts of Lasciviousness na may rekomendadong piyansa na Php180,000.
Ang operasyon ng Binmaley PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Binmaley Municipal Police Station
Panulat ni Pat. Viljon Anthony A. Comilang