Arestado ang isang wanted person na may kasong paglabag sa Republic Act 11313 o ang “Safe Spaces Act” (2 Counts) at Grave Scandal (2 Counts) sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Legazpi City PNP sa Barangay Mabinit, Legazpi City nitong lamang Agosto 1, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ray Anthony M Villanueva, Hepe ng Legazpi City Police Station, ang suspek na isang 31 taong gulang na lalaki, walang-asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Bandang 2:14 ng hapon ng ikinasa ang naturang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa mga kasong paglabag sa RA 11313 o ang “Safe Spaces Act” (2 Counts) at Grave Scandal (2 Counts).
Nagpapatunay lamang ito na hindi titigil ang PNP sa paghuli sa mga wanted persons at pagsugpo sa kriminalidad para sa mas payapa at ligtas na komunidad.
Source: Legazpi City Police Station Albay PPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia