Himas rehas ang isang Wanted Person matapos maaresto sa operasyon ng mga awtoridad sa kasong 2 Counts sa paglabag sa Republic Act 7610 nito lamang ika-28 ng Disyembre 2024 sa Barangay Tubod, Iligan City.
Kinilala ni Police Colonel Jerry A Tambis, Acting City Director, Iligan City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Pancho”, 24 anyos, walang trabaho at residente ng Zone 1 Alae Manolo Fortrich, Bukindon.
Bandang 12:00 ng hapon ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act (2 Counts).
Patuloy ang Hilagang Mindanao PNP sa misyon na protektahan ang mga mamamayan mula sa anumang uri ng kriminalidad para sa isang ligtas at payapang komunidad.