Timbog ang isang indibidwal matapos isinilbi ang Warrant of arrest ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station sa Barangay Narra, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-24 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Esmael Madin, Hepe ng Sultan Kudarat MPS, ang suspek na si alyas “Balundo”, 32 anyos na residente ng naturang lugar.
Nabatid na ang suspek ay tinaguriang Top 6 Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Sa pagkamit ng Bagong Pilipinas ng kasalukuyang administrasyon, ay may mithiing panatilihin ang payapa at ligtas na bansa katuwang ang hanay ng PNP na hindi mapapagod sa pagsasagawa ng operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa saligang batas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui