San Jose, Occidental Mindoro – Naaresto ang isang Wanted Person sa Occidental Mindoro sa kasong Homicide sa operasyon ng mga kapulisan noong Martes, Marso 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Simeon Gane Jr., Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ang suspek na si Nathaniel Lamata Villareal, 74, residente ng Barangay Batasan, San Jose, Occidental Mindoro.
Ayon kay PCol Gane Jr, nahuli si Villareal sa nasabing barangay sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company at Maritime Police Station.
Ayon pa kay PCol Gane Jr, naaresto si Villareal sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Homicide na inisyu ni Honorable Ernesto P Pagayatan, Presiding Judge at Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 46, San Jose, Occidental Mindoro na may Criminal Case # R-4630 noong Hunyo 8, 2000 at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php100,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus
Husay talaga ng mga pulis