Arestado ang isang Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 sa Barangay Cabarsican, City of San Fernando, La Union nitong Martes, ika-27 ng Agosto 2024.
Tinukoy ang suspek na si alyas “Omeng”, 18 taong gulang at residente ng Barangay Cabarsican, City of San Fernando, La Union.
Naaresto ang suspek bandang 8:20 ng umaga sa kanyang tinitirhan ng pinagsanib na mga tauhan ng City of San Fernando, La Union, Regional Intelligence Division, La Union Provincial Intelligence Unit, 1st La Union Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion 1.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang itinakdang piyansa.
Patuloy ang epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mandato na hulihin at tugisin ang mga pananagutan sa batas upang panagutin sila sa kanilang pagkakasala at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Source: City of San Fernando Police Station
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco