South Cotabato – Napasakamay ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 10 Most Wanted Person sa Probinsya ng South Cotabato noong ika- 4 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naaresto na si alyas “Ton-Ton”, 32-anyos, walang-asawa at residente ng Barangay Talisay, Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto ang suspek sa mismo nitong pamamahay ng pinagsanib pwersa ng Lake Sebu MPS, South Cotabato Provincial Intelligence Unit at 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Giit naman ni PBGen Macaraeg na ang buong hanay ng PRO 12 ay patuloy sa operasyon sa pag-aresto sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng karampatang hustisya ang mga taong nabiktima nito. Pinapaalalahanan din ang publiko na makiisa sa mga programa ng kapulisan para sa isang tahimik at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin