Arestado ang isang wanted person na may kasong Statutory Rape na pinangunahan ng San Fernando City PNP bandang 1:30 ng tanghali sa Barangay Biday, City of San Fernando, La Union nito lamang ika-5 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Fernando G Acain Jr, hepe ng City of San Fernando PNP, ang suspek na si alyas “Jesson”, 24, at residente ng Sitio 1, Barangay Biday, City of San Fernando, La Union.
Ayon kay PLtCol Fernando G Acain Jr, nahaharap ang suspek sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Samantala, nangangako naman ang San Fernando City PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang bawat mamamayan.
Source: City of San Fernando Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang