Arestado ang isang lalaking wanted sa kason Rape sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Labrador Police Station at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pangasinan Police Provincial Office bandang alas-9:00 ng umaga noong Hulyo 10, 2024, sa Barangay Poblacion, Labrador, Pangasinan.
Kinilala ni Police Major Rodolfo Labayo Jr, hepe ng Labrador Police Station, ang suspek na si alyas “Marcelino”, isang 68 taong gulang na laborer at residente ng Barangay Poblacion, Labrador, Pangasinan.
Si “Marcelino” ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang pag-aresto sa suspek ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa rehiyon. Ang kooperasyon sa pagitan ng iba’t ibang yunit ng pulisya ay mahalaga upang masiguro ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga kriminal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.
Ang tagumpay ng operasyon ay patunay ng masusing pagpaplano at koordinasyon sa pagitan ng mga yunit ng pulisya, na layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.
Source : Labrador MPS
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan