Malaybalay, Bukidnon – Arestado ang isang wanted person sa kasong Robbery ng Malaybalay PNP nito lamang Linggo, Mayo 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Paulo Bagting Saba, 26, residente ng sa P-2, Barangay San Jose, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, bandang 3:57 ng hapon nadakip ang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay isa na namang patunay na ang hanay ng PNP ay patuloy sa kanilang hakbang upang hulihin ang bawat personalidad na may pananagutan sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10