Arestado sa operasyon ng Iligan City PNP ang wanted person sa kasong Robbery By the use of Force Upon Things nito lamang ika-17 ng Hunyo 2025 sa 1st East Rosario Heights Tubod, Iligan City, Lanao del Norte.
Kinilala ni Police Captain Michaelangelo C Roldan, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 4, ang suspek na si alyas “JD”, 28, parking boy, at residente ng Tambacan, Iligan City.
Ang naturang operasyon ay isinagawa para hulihin ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery By the use of Force Upon Things.
Patuloy ang Iligan City PNP, na protektahan ang mga mamamayan mula sa anumang uri ng krimen upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong bansa.