Palawan – Timbog ang isang Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station sa Brgy. Tubtub, Brooke’s Point, Palawan noong ika-4 ng Hulyo 2023
Kinilala ni Police Major Raffy Esperida, Chief of Police ng Brooke’s Point MPS, ang suspek na may alyas na “Jenis”, 22, at residente ng Bataraza, Palawan.
Ayon kay PMaj Esperida, naaresto ang suspek sa isinagawang joint operation ng mga tauhan ng Brooke’s Point MPS, PIU Palawan PPO, Bataraza MPS, RIU-4B at 1st PPMFC sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault, na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus