Arestado ng pulisya ang isang lalaking Wanted sa kasong Rape sa Barangay Malbago, Bontoc, Southern Leyte nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Rolando M Paloma, Acting Chief of Police ng Bontoc Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Gar”, 50 anyos, construction worker at residente ng Barangay Malbago, Bontoc, Southern Leyte.
Bandang 10:50 ng umaga ng maaresto ang suspek ng pinagsamang mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit-Southern Leyte Police Provincial Office at 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at katahimikan sa ating bansa dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Maurene A Kiaki