Arestado ng mga awtoridad ang isang wanted person na may kasong rape sa Barangay Buenavista, Bontoc, Southern Leyte nito lamang Mayo 10, 2024.
Kinilala ni Police Major Rolando M Paloma, Acting Chief of Police ng Bontoc Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Berto”, 33 anyos at residente ng Buenavista, Bontoc, Southern Leyte.
Bandang 4:30 ng hapon ng maaresto ang suspek ng pinagsamang pwersa ng Bontoc Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Southern Leyte PPO at 1st Southern Leyte PMFC.
Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at ligtas na komunidad tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Camberleigh D FLores