Arestado ang isang Wanted Person sa kasong 2 Counts of Rape sa operasyon ng pulisya sa Purok 8, Barangay Naungan, Ormoc City nito lamang Linggo, ika-9 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Omar Roel B Cartalla, Station Commander ng Ormoc City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Boy Negro”, 17 anyos at residente ng Purok 8, Barangay Naungan, Ormoc City.
Ayon kay PMaj Cartalla, bandang 6:59 ng umaga ng isagawa ang operasyon ng Ormoc City Police Station 3 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon laban sa mga wanted person na nagtatago sa batas at may mga kasong dapat kaharapin.
Sa Bagong Pilipinas, layunin ng ating mga kapulisan na panagutin sa batas ang mga ito upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima nito at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Sherie-an Masi