Pangasinan – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa Brgy. Balite Sur, San Carlos City, Pangasinan, nito lamang Lunes, ika-18 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Captain Hermie Raymundo, Hepe ng Basista Municipal Police Station, ang suspek na si Rogelio Ortiz Bacani, 48, may asawa at residente ng San Carlos City, Pangasinan.
Ayon kay PCpt Raymundo, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Basista Municipal Police Station sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Basista PNP sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Source: Basista Mps
Panunulat ni PSSg Marvin Jake Romero