Walang takas ang isang wanted person matapos itong maaresto ng Asingan PNP sa kaso nitong Rape sa Barangay Carosucan Norte, Asingan, Pangasinan nito lamang ika-8 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Katelyne May D Awingan, hepe ng Asingan PNP, ang suspek na si Eduardo Godoy Dingle Jr, 42 taong gulang, at residente ng Barangay Carosucan Norte, Asingan, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Awingan, nahaharap ang suspek sa kasong Rape thru Sexual Assault na may kaukulang piyansa na Php200,000.
Samantala, nangangako naman ang Asingan PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mamamayan.
Source: Asingan Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang