Pangasinan – Arestado ang isang Wanted Person na may kasong Qualified Theft sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Anda PNP sa Brgy. Poblacion, Anda, Pangasinan nito lamang Lunes, ika-01 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Major Mark Tubadeza, Officer-In-Charge ng Anda Municipal Police Station, ang suspek na si Rolando Carlit Caalim, 29, at residente ng Brgy. Carot, Anda, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Tubadeza, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Anda Municipal Police Station sa kasong Qualified Theft na may Php30,000 na inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Anda PNP sa pagsisiguro ng katahimikan sa kanilang nasasakupang lugar.
Source: Anda Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero