Arestado ng Bolinao PNP ang isang Wanted Person sa kasong Perjury sa Barangay Tupa, Bolinao, Pangasinan nito lamang Agosto 2, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Radino S Belly, Chief of Police ng Bolinao PNP, ang suspek na si alyas “Yeya”, 46 taong gulang, isang housewife at tubong Barangay Tupa, Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Belly, naaresto ang suspek bandang 4:30 ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Perjury na may nirekomendang Php60,000 na piyansa.
Ang operasyon ng mga kapulisan ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Source: Bolinao Police Station
Panulat ni Patrolwoman Aileen Arvie E Eustaquio