La Union – Timbog ng pulisya ang isang wanted person na may kasong pagnanakaw sa Sitio Malanas, Brgy. Lettac Sur, Santol, La Union, bandang 5:15 ng hapon nito lamang Sabado, ika-6 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Major Joel Cabaddu, Officer-In-Charge ng Santol PNP, ang suspek na si Norberto Zambrona y Nalangan, 51, at residente ng Brgy. Lettac Sur, Santol, La Union.
Ayon kay PMaj Cabaddu, naaresto ang suspek sa pinagsamang operatiba ng Santol PNP bilang lead unit at La Trinidad PNP na nahaharap sa kasong Qualified Theft na walang rekomendadong piyansa.
Ang operasyon ng Santol PNP at La Trinidad PNP ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Santol Municipal Police Station
Panulat ni Pat Viljon Anthony A. Comilang