Timbog ang isang lalaki na wanted person sa kasong Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Bato-Bato, Panglima Sugala, Tawi-Tawi nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Rodolfo A Inoy, Jr., Provincial Director ng Tawi-Tawi Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Kim”, 36 anyos, residente ng Barangay Tubig-Boh, Bongao, Tawi-Tawi.
Naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – Tawi-Tawi Provincial Field Unit katuwang ang Panglima Sugala Municipal Police Station, Tawi-Tawi Provincial Intelligence Team, Tawi-Tawi Maritime Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na may piyansang Php200,000.
Patuloy naman ang Tawi-Tawi PNP sa pagsagawa ng sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga nagkasala sa batas para sa maayos na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya