Cotabato – Arestado ang isang City Most Wanted Person sa patuloy na isinagawang Manhunt Charlie Operation ng pulisya sa Aurora St, Brgy. Zone IV, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Oktubre 8, 2023.
Sa report ng Koronadal City Police Station, inaresto ang suspek na si alyas “Danilo” sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Art. II, Section 5 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang rekomendadong piyansa.
Ang pagkakadakip sa wanted person ay bunga ng magandang pagtutulungan ng mamamayan at pulisya na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Rehiyon 12.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin