Maramag, Bukidnon – Arestado ang isang Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9165 ng Maramag PNP sa Purok 6, Brgy. Anahawon, Maramag, Bukidnon nito lamang Mayo 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Alvin Christean Limoran y Amora alyas “Estoy”, 25, residente ng Purok 6A North Poblacion, Maramag, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, nadakip ang suspek bandang 7:50 ng gabi sa naturang barangay ng mga operatiba ng Maramag Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Illegal Sale of Dangerous Drug (Section 5, Art. II ng R.A 9165) na walang inirekomendang piyansa at Illegal Possession of Dangerous Drugs (Section 11, Art. II of R.A 9165) na may inirekomendang piyansa na Php 200,000.
Ang PNP ay walang humpay sa mandato na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga na sumisira sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10