Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 sa Barangay Monbon, Sta. Margarita, Samar nito lamang Oktubre 13, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel J-Rale O Paalisbo, Force Commander ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Bal”, 74 anyos at residente ng Barangay Monbon, Sta. Margarita, Samar.
Naaresto ang suspek bandang 8:00 ng gabi ng pinagsamang mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company at Sta. Margarita Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may piyansa na Php80,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa kapulisan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad at mapanagot ang mga taong nagkasala sa batas. Dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian