Pangasinan – Timbog ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Balungao PNP sa Brgy. San Joaquin, Balungao, Pangasinan nito lamang Martes, ika-20 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Police Major Jimmy Paningbatan, Officer-In-Charge ng Balungao Police Station, ang suspek na si Rudy Peralta y Mata, 59 at residente sa nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Paningbatan, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Balungao Police Station, Provincial Intelligence Team Pangasinan-Regional Intelligence Unit 1 at Provincial Intelligence Unit (PIU) Pangasinan PPO sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5(B) Art. III ng RA 7610 (5 counts) at Rape thru Sexual Assault Art. III Sec. 5 (B) ng Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na walang inirekomendang piyansa.
Ang Balungao PNP ay hindi titigil manghuli sa mga Wanted Person upang mapanatiling tahimik at maayos ang komunidad sa kanilang nasasakupan.