Arestado ang isang wanted person na may kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Child Abuse Law sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Balaoan Municipal Police Station sa Balaoan, La Union nito lamang ika-5 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Cresencio P Abila Jr, hepe ng Balaoan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Willy”, 41 anyos at residente ng Barangay San Pablo, Balaoan, La Union.
Bandang 9:10 ng umaga nang maaresto ang akusado sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng RID 1, LUPIU, La Union PECU, 1st LUPMFC at TSC RMFB 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 na may rekomendang piyansa na Php200,000.
Patuloy ang Balaoan PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para hulihin ang mga wanted persons na may pananagutan sa batas upang mapanatiling maayos at payapa ang nasasakupang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.