Timbog ang isang Wanted Person sa kasong Murder sa inihaing Warrant of Arrest ng Lanao del Sur PNP sa Barangay East Marogong, Marogong, Lanao del Sur noong ika-24 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao Del Sur Police Provincial Office, ang suspek na si “Bong” at residente ng Barangay East Marogong, Marogong, Lanao Del Sur.
Ayon kay PCol Daculan, bandang 4:45 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company-LDSPPO, 1403rd Regional Mobile Force Company, Regional Mobile Force Batallion 14, at 2nd Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder.
Ang naarestong suspek ay sangkot sa pagpatay ng yumaong Barangay Chairman ng Lumbac, LDS na si alyas “Sobo” noong taong 2012.
Patuloy na magsasagawa ng mga operasyon ang ating kapulisan para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas para mapanatiling mas maayos, tahimik at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica B Laggui