Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Murder matapos mahuli sa Barangay Binogawan, San Policarpo, Eastern Samar nito lamang ika-22 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Baby Eli C Tabale, Officer-In-Charge ng San Policarpo Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Vincent”, 44 anyos, tricycle driver at residente ng Barangay Paypayon, Oras, Eastern Samar.
Bandang 8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng San Policarpo Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian