Arestado ng mga awtoridad ang isang Wanted Person na may kasong Murder sa Barangay San Jose Gandara, Samar nito lamang Disyembre 01, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel J-Rale O Paalisbo, Force Commander ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Jonel”, 21 anyos at residente ng Barangay Guadalupe, San Jorge, Samar.
Naaresto ang suspek bandang 5:40 ng hapon ng mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian