Valenzuela City — Arestado ang isang wanted person sa kasong murder sa joint operation ng PNP nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ramchrisen Haveria, Jr, Chief of Police ng Valenzuela City Police Station ang akusado na si Richard Cariso y Aguilar, 32, residente ng Barangay Bignay, Lungsod ng Valenzuela.
Ayon kay PCol Haveria Jr, bandang 2:35 ng hapon nahuli si Cariso sa kahabaan ng North Ville 1 Barangay Bignay, Valenzuela City, ng pinagsanib puwersa ng Warrant and Subpoena Section, Sub-Station 7 ng Valenzuela CPS, 5th MFC, RMFB, NCRPO at CIDG NCR.
Nahaharap si Cariso sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 285, Lungsod ng Valenzuela.
Tiniyak ni PCol Haveria Jr na patuloy sa pagsasagawa ng operasyon ang hanay ng Valenzuela CPS bilang tugon sa direktiba ni NPD Director PBGen Ulysses Cruz na damputin lahat ang may nakabinbin na Warrant of Arrest.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos