Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Murder matapos mahuli sa Barangay Giparayan, Pambujan, Northern Samar nito lamang ika-05 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Rencis L Timan, Acting Chief of Police Ng Pambujan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Biyok”, 33 anyos, magsasaka, na residente ng Barangay Zone 1, Silvino Lubos, Northern Samar.
Naaresto ang suspek bandang 7:20 ng umaga ng mga tauhan ng Pambujan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian