Walang takas ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Murder matapos mapasakamay ng mga awtoridad sa Barangay Gusaran, Silvino Lubos, Northern Samar nito lamang ika-04 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Ariel”, 37 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Gusaran, Silvino Lubos, Northern Samar.
Bandang 10:00 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Silvino Lubos Municipal Police Station at 19th Infantry Battalion, Philippine Army sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas at mapanatiling ligtas ang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian