Arestado ang isang wanted person sa kasong Murder sa bisa ng Warrant of Arrest sa isang operasyon na isinagawa ng Iligan City PNP sa Quezon Ave. Extension, Pala-o, Iligan City noong Marso 22, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jerry A Tambis, Acting City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Ryan”, 47 anyos, isang negosyante at residente ng District 5, Blk 29, Lot 17, Pandacaqui Resettlement, Mexico, Pampanga.
Bandang 11:45 ng gabi nang isinagawa ang operasyon kaugnay sa SACLEO na nagresulta ng matagumpay na operasyon.
Patuloy ang Iligan City PNP sa kampanya laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lungsod.