Arestado ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Murder sa operasyon ng pulisya sa Barangay Padang, Hernani, Eastern Samar nito lamang Disyembre 06, 2024.
Kinilala ni Police Captain Rongy D Cidro, Acting Chief of Police ng Hernani Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Bahala”, 36 anyos at residente ng Barangay Padang, Hernani, Eastern Samar.
Naaresto ang suspek bandang 10:00 ng umaga ng mga tauhan ng Hernani Municipal Police Station, kasama ang Eastern Samar Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian