Arestado ang isang wanted person sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Jolo Municipal Police Station Tracker Team sa Sitio Unique, Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu noong ika-9 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Captain Elmer C Espaldon, Hepe ng Jolo MPS, ang suspek na si alyas “Naif”, 32 anyos, isang mangingisda at residente ng Barangay Kulasi, Maimbung, Sulu.
Bandang 9:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Revise Penal Code Article 248 o Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang sa epektibong pagpapatupad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas maayos, maunlad at mapayapang bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui