Arestado ng Mangaldan PNP ang isang Wanted Person sa kasong Malversation of Public Funds through Falsification of Public Document sa Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roldan E Cabatan, Officer-In-Charge ng Mangaldan PNP ang suspek na si alyas “Marlou”, 44 taong gulang, may asawa at tubong Mangaldan, Pangasinan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Cabatan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Article 217 in relation to Art.171(4) of the RPC (Malversation of Public Funds through Falsification of Public Document) na may nirekomendang Php 72,000.00 na piyansa.
Ang operasyon ng pulisya ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Aileen Arvie E Eustaquio