General Santos City – Arestado ang isang wanted person sa kasong Malicious Mischief ng General Santos City PNP nito lamang Huwebes, Abril 7, 2022.
Kinilala ni Police Major Rissa Hernaez, Station Commander ng PS7, General Santos City Police Office, ang suspek na si Josephine Gonato Reponte, 50, residente ng Prk 11-A, Block 4A, Brgy. Fatima, General Santos City.
Naaresto si Reponte sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Malicious Mischief sa Fil-am Road, Prk 11-A, Brgy. Fatima, General Santos City ng mga tauhan ng Police Station 7 ng General Santos City Police Office.
Ang pagkakaaresto kay Reponte ay alinsunod sa pinaigting na pagpapatupad ng OPLAN: IRON CLAD Region XII o Integrated and Revitalized Operation of Neighborhood Integrated Watch against Criminality, Lawlessness, and Disasters na hakbang sa paglaban sa kriminalidad, pagpapalakas ng police-community relations, at maging ang epektibong pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay PMaj Hernaez, ang kanyang yunit ay patuloy na magsisikap at hindi mapapagod na halughugin ang bawat sulok ng lugar na kanilang nasasakupan upang mahuli ang mga wanted person at mabigyang hustisya ang mga nabiktima ng mga ito at mapanagot sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Charnie A Mandia