Tagbilaran City, Bohol – Arestado ang isang wanted person sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Bool Junction, Barangay Bool, Tagbilaran City, Bohol nito lamang Huwebes, Hunyo 16, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mary Crystal Bunao Peralta, Chief of Police, ang suspek na si Niño Casile Zerna, 24, lalake, residente ng Bool Junction, Barangay Bool, Tagbilaran City, Bohol.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Peralta, naaresto si Zerna bandang 12:15 ng madaling araw sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng RIU 7 Bohol PIT, 702nd Maneuver Company, CIDG Bohol, Provincial Intelligence Unit 7 at Tagbilaran Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nahaharap si Zerna sa kasong paglabag sa RA 7610, na may 2 Counts ng Lascivious Conduct na may rekomendadong piyansa na Php200,000 bawat isa.
Tinitiyak naman ng PNP na hindi sila hihinto sa paghahanap sa mga taong may pananagutan sa batas.
###
Panulat ni Carl Philip Galido