San Jose, Occidental Mindoro (February 14, 2022) – Naaresto ang isang wanted person sa bisa ng Warrant of Arrest sa Brgy. Magbay, San Jose, Occidental Mindoro noong Pebrero 14, 2022.
Isinagawa ang pag-aresto sa pinagsanib pwersa ng San Jose Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU)-Occidental Mindoro Police Provincial Office (PPO), 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (PMFC) at sa pakikipagtulungan ng Maritime Provincial Station (MARPSTA) Region MIMAROPA.
Kinilala ang suspek na si Justine Apan Alarcon, 21 taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Jose S. Jacinto, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 45, San Jose, Occidental Mindoro na may petsang Pebrero 14, 2022 para sa kasong Homicide na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Nasa kustodiya na ngayon ng San Jose MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.
Ito ang resulta ng direktiba ni Police Colonel Simeon Gane Jr., Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (PPO) sa kampanya laban sa kriminalidad sa buong lalawigan.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Erwin P Calaus, RPCADU MIMAROPA
Galing ng mga alagad ng batas