Pozorrubio, Pangasinan – Timbog ng Pozorrubio PNP ang isang Wanted Person sa kasong Frustrated Murder matapos magtago ng sampung taon sa Brgy. I Poblacion, Pambujan, Northern Samar nito lamang Huwebes, ika-8 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Major Zynon Paiking, Chief of Police ng Pozorrubio Municipal Police Station, ang suspect na si Den Lucban y Galero, 52, residente ng Brgy. I Poblacion, Pambujan, Northern Samar.
Ayon kay PMaj Paiking, naaresto ang suspek bandang 9:20 ng umaga ng mga operatiba ng Pozorrubio Municipal Police Station (lead Unit), Calbayog MPS, Pambujan MPS, Northern Samar PPO, Provincial Intelligence Unit Pangasinan at Regional Intelligence Division, PRO1.
Ayon pa kay PMaj Paiking, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may kaukulang piyansa na Php200,000.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay nangangahulugan ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan para sa kaayusan at kapayapaan ng isang lugar.
Source: Pozorrubio MPS
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio